RCRIM sa Pangalan. Pero Paano sa Asal?
By Criminolohenyo · August 16, 2026

May isang bagay na kailangang malinaw sa bawat Registered Criminologist: hindi natatapos ang pagiging propesyonal kapag hinubad mo ang uniporme, umuwi ka sa bahay, o nagbukas ka ng Facebook. Ang mga salitang “personal account ko naman ito” ay hindi mahiwagang depensa na biglang naghihiwalay sa isang tao mula sa propesyong buong pagmamalaki niyang inilalagay pagkatapos ng kanyang pangalan. Kapag ginagamit natin ang titulong RCrim, kapag ipinagmamalaki natin ang ating lisensya, at kapag kinikilala tayo ng publiko bilang bahagi ng criminology profession, may kasama iyong responsibilidad. Hindi lamang ito responsibilidad kapag nasa opisina, classroom, police station, correctional facility, courtroom, o anumang professional setting. Kasama rito kung paano tayo nakikitungo sa publiko, kung paano tayo nakikipagtalo, at oo, kung paano tayo nagpo-post sa social media.
Mas naging mahalaga ito nang mailabas ang Code of Ethical and Professional Conduct of Philippine Registered Criminologists under Resolution No. 07, Series of 2024. Hindi ginawa ang Code para lamang maging dagdag na materyal sa board examination o panibagong dokumentong ime-memorize ng mga estudyante. It exists because being a criminologist is not merely about possessing technical knowledge. It is also about character, integrity, responsibility, and professional conduct. The Code demands respect for law, human rights, public interest, personal integrity, honesty, dignity, fairness, professionalism, and respect toward colleagues and the profession itself. Kaya kung ipinagmamalaki nating regulated profession ang criminology, dapat handa rin tayong tanggapin na may pamantayan ang asal ng isang regulated professional.
Dito nagiging uncomfortable ang usapan.
May mga social media posts ngayon mula mismo sa mga Registered Criminologists na gumagamit ng pagmumura, pang-iinsulto, stereotyping, ridicule, at kung minsan ay mismong propesyon ang ginagawang katatawanan. Sa isang halimbawa, makikita ang linyang “Tangina mo, 11131, Tangina mo, Pilipinas”, kasunod ng biro tungkol sa isang “RCrim na tambay” na papunta umano sa Japan. Maaaring sabihin ng ilan: satire lang iyan. Maaaring sabihin ng iba: joke lang, huwag masyadong seryoso. Fair enough. Satire is a legitimate form of expression. Humor is not automatically unethical. Criticism of RA 11131 is not prohibited simply because someone is a criminologist. In fact, professionals should be able to criticize laws, policies, institutions, and even weaknesses within their own profession.
Pero may malaking pagkakaiba ang pagpuna sa isang batas at ang pagbababa ng kalidad ng professional discourse.
Kung may problema sa RA 11131, sabihin natin kung anong provision ang problema. Kung may kakulangan sa employment opportunities ng criminologists, ilatag natin ang datos. Kung tingin natin ay hindi sapat ang career pathways na ibinibigay sa graduates, pag-usapan natin ang policy gaps. Kung may problema sa implementation ng batas, pangalanan natin ang problema at magmungkahi ng solusyon. That is professional criticism. Pero kapag ang argumento ay napalitan ng mura, pangmamaliit, stereotypes at ridicule, hindi na natin napapalakas ang argumento. Sa maraming pagkakataon, tayo mismo ang nagbibigay sa publiko ng dahilan para hindi seryosohin ang propesyon.
Mas masakit dito, matagal nang nakikipaglaban ang criminology sa stereotypes. Ilang beses na nating narinig ang “criminology lang,” “puro pulis lang naman kayo,” “pang-baril lang,” “pang-tambay,” o mas masahol pa, ang stereotype na mababa ang intellectual standard ng criminology students at graduates? Tapos tayo ring mga criminologist ang gagawa ng content na nagpapatibay sa mismong stereotypes na gusto nating mawala. Hindi puwedeng magalit tayo kapag minamaliit ng ibang tao ang criminology habang tayo mismo ang kumikita ng likes, shares at reactions sa pamamagitan ng pagbibiro na nakabababa sa imahe nito.
At dito pumapasok ang tunay na tanong: Ano ba talaga ang gusto nating tingin ng publiko sa titulong RCrim?
Hindi naman kailangang maging boring ang isang criminologist. Hindi rin kailangang bawat Facebook post ay parang legal memorandum. Puwedeng magpatawa. Puwedeng maging sarcastic. Puwedeng magkaroon ng matapang na opinyon. Puwedeng punahin ang PRC, ang batas, ang sistema, ang curriculum, ang employment situation, maging ang sarili nating profession. Freedom of expression does not disappear when someone becomes licensed. But professional freedom is accompanied by professional accountability. The question is not simply, “May karapatan ba akong sabihin ito?” The better question is, “Bilang professional, dapat ko bang sabihin ito sa ganitong paraan?”
Napakalaking pagkakaiba ng dalawang tanong na iyan.
Mas lalo itong mahalaga para sa mga criminologist na educators, lecturers, reviewers, content creators, organization leaders, at personalities na maraming followers. Whether we like it or not, students are watching. Young criminologists are watching. Aspiring criminologists are watching. Kapag nakikita nilang normal sa isang kilalang professional ang pagmumura, pang-iinsulto at pambabastos bilang paraan ng professional commentary, unti-unti nating tinuturuan ang susunod na generation na visibility is more important than credibility, virality is more valuable than professionalism, and engagement is more important than dignity.
Hindi iyon ang professional culture na dapat nating ipamana.
At huwag nating ikulong ang usapin sa pagmumura lamang. Mas malawak ang problema. Kasama rito ang posts na nanlalait ng kapwa criminologist dahil sa trabaho niya, ranggo niya, school niya, board rating niya, employment status niya, o dahil hindi siya nakapasok sa uniformed service. Kasama rito ang stereotyping sa ibang professions. Kasama rito ang pagpapahiya sa students at colleagues online. Kasama rito ang pagpapakalat ng maling legal information para lamang makakuha ng engagement. Kasama rito ang plagiarism, pagkuha ng gawa ng iba at pagpapanggap na sariling content, irresponsible commentary tungkol sa ongoing criminal cases, at paggamit ng professional title upang magmukhang authoritative kahit wala namang sapat na factual o legal basis ang sinasabi.
RCrim is not a social media decoration.
Those four letters represent a profession regulated by law. They tell the public that the person carrying them has satisfied prescribed educational and professional requirements and is expected to understand not only crime and criminal behavior but also law, justice, human rights, ethics, and professional responsibility. Kaya kapag ginagamit natin ang RCrim sa pangalan natin habang ang content natin naman ay kabaligtaran ng dignidad na inaasahan sa isang professional, tayo mismo ang nagpapamura sa halaga ng titulong pinaghirapan nating makuha.
At marahil ito ang pinakamahirap tanggapin: hindi lahat ng nakakatawa ay kailangang i-post, hindi lahat ng naiisip ay kailangang sabihin, at hindi lahat ng viral ay nakabubuti sa propesyon. Minsan ang sukatan ng professionalism ay hindi kung gaano kagaling magsalita, kundi kung gaano kagaling pumili ng paraan ng pagsasalita. Self-restraint is not weakness. Professional decorum is not censorship. Dignity is not pagiging “KJ.” These are manifestations of maturity expected from people who voluntarily entered a regulated profession.
Hindi rin ibig sabihin nito na dapat agad husgahan na ethical violation ang bawat joke, mura, satire, o controversial post. Context matters, and whether a particular act actually constitutes a violation is ultimately a matter for the proper regulatory authorities following due process. We should be careful not to conduct disciplinary proceedings through Facebook comments. The purpose of professional ethics is not to create a culture where criminologists police every joke of another criminologist. Its purpose is to remind us that our conduct has consequences beyond ourselves.
Kaya hindi ito panawagan para patahimikin ang criminologists.
Panawagan ito para taasan ang kalidad ng ating boses.
Kung galit ka sa isang batas, criticize it intelligently. Kung may problema sa profession, expose it responsibly. Kung may mali sa sistema, challenge it with evidence. Kung gusto mong gumamit ng satire, make the satire illuminate the problem rather than degrade the profession. Kung gusto mong maging matapang, maging matapang sa argumento, hindi lamang sa mura. Mas madaling mag-viral dahil sa insulto. Mas mahirap maging credible dahil sa substance.
At kung gusto nating respetuhin ng publiko ang criminology profession, kailangan magsimula ang respeto sa atin mismo.
Hindi sapat na ipagtanggol natin ang criminology kapag may ibang propesyon na nangmamaliit dito. Hindi sapat na magalit tayo kapag tinatawag na “bobo” ang criminology students. Hindi sapat na ipagmalaki natin ang RA 11131 at ang initials na RCrim pagkatapos ng ating pangalan. Professional recognition demands professional behavior. Kung gusto nating seryosohin ng lipunan ang ating propesyon, kailangan ipakita nating kaya nating magkaroon ng disagreement nang hindi bumababa sa insulto, kaya nating magpatawa nang hindi sinisira ang dignidad ng iba, at kaya nating punahin ang sariling profession nang hindi natin ito ginagawang katatawanan.
Because every time a Registered Criminologist speaks publicly, especially while carrying the title RCrim, two reputations are potentially involved: his own and that of the profession he represents.
Kaya bago pindutin ang POST, maaaring magandang itanong sa sarili:
Kung mabasa ito ng estudyante ko, magiging proud ba akong ako ang naging halimbawa niya? Kung mabasa ito ng publiko, tataas ba o bababa ang tingin nila sa Registered Criminologists? At kung ilalagay sa tabi ng Code of Ethical and Professional Conduct of Philippine Registered Criminologists ang paraan ng pagkakasulat ko, kaya ko ba itong panindigan bilang isang professional?
Kung masakit ang mga tanong na iyan, perhaps that discomfort is precisely why we need to ask them.
Ang lisensya ay nasa wallet. Ang RCrim ay maaaring nasa pangalan. Pero ang tunay na professionalism ay nakikita sa asal, lalo na kapag walang supervisor, walang evaluator, walang examination, at isang “Post” button lamang ang nasa harapan mo.
